Love Bombed
0
November 24, 2022

Love Bombed – Fifth Entry

“Dre, bakit ang tahimik na ng phone mo ngayon? Busted na ba? Umayaw ka na?”

“Hindi. Nagpapahinga lang ako.”

“Uh! Magpapa-miss! Paano kung may ibang didiskarte at sa taong ‘yun mahuhulog ang loob niya?”

“Orb, hindi naman ako lalayo. Bibigyan ko lang ng puwang ang mga sarili namin. Marami siyang pinagdadaanan ngayon, ayaw ko munang makagulo sa kanya. Itutuloy ko pa rin naman ang mga ginagawa ko kapag maayos na ang lahat.”

“Paano kung kailangan niya ng masasandalan? Paano kung ibang tao ang gagawa no’n?”

“Pwede naman niya akong sabihan. Tutulungan ko naman siya. Pero mas magagawa niya ‘yun kung may tiwala siya sa sarili niya, siya mismo ang makakalutas ng mga suliranin niya.”

“Ang bait mo kapag malungkot ka ‘no? ‘Di ka nababanas sa akin kahit negative ang sinasabi ko ngayon.”

“So, gusto mo ng kutos?”

“Luh? Masungit na rin orb?”

Tagged with: , , , , ,

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments