0
Posted in Uncategorized
November 23, 2022

BROKEN VOW

May nagsabi na rin ba sa inyo ng “Hahanapin ko lang ang sarili ko, kapag okay na ang lahat babalik ako sa’yo. Hintayin mo ‘ko ha.”

Umasa din ba kayo at naghintay? Kumusta naman? Bumalik ba siya?

Kung oo, congratulations! Hangad ko na sana hindi na kayo muling dumating sa point na kailangan ka na naman niyang iwan at paghintayin.

E pa’no naman yung mga hindi na binalikan?

Asang-asa pa naman at pinanghahawakan ang pangakong sa kanila ay binitawan.

Yun pala, hindi sarili ang hinanap kundi ibang kalandian.

Magmove na kayo, di niyo deserve ang taong gaya nila.

At mas lalong hindi nila kayo deserve.

Wish them well with their new one and move on.

It’s not the end of the world for you, grab this opportunity to make yourself better.

Darating din yung tamang tao para sa’yo.

Pero kung sakali mang wala, it’s not bad to stay single.

Mas maaalagaan mo sarili mo, mas makakapagfocus ka sa career mo, sa family, sa goals mo sa buhay.

Okay lang yan, ‘wag kang matakot mag-isa.

 

Para sa lahat ng iniwan, pinangakuan, pero hindi na binalikan, cheers!

 

 

 

 

Tagged with:

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments