Profile Photo

Arnel PabloOffline

•
0 out of 5
•
  • Profile picture of Arnel Pablo

    Arnel Pablo

    • 6 months, 3 weeks ago

    Madaming bagay akong natutunan sa buhay at gusto ko ishare ang ilan sa mga yun baka makatulong.

    1. If you don’t believe in yourself, nobody will – Kung gusto mo manalo sa buhay, importante na naniniwala kang kaya mo. Kasi sa totoo lang, wala nman ibang gagawa sayo nito. Except si Lord. Kaya dapat lumalakad ka kasama sya.

    2. Life is all about the journey and less about the destination. – hindi kung ano yung naAchieve mo, kundi kung paano mo ito naAchieve. Nung kabataan ko mahilig ako sa madaliang pera, pero madali din ito nawawala. Iba pala kapag pinaghihirapan mo. Ganun din sa ibang bagay tulad promotion, relationship, dreams, Success… MAS IMPORTANTE pala yung journey.
    Pero sa usaping 2nd Life. NapakaImportante na naiintindihan natin ang Destination.

    3. It’s Not All About You – Believing yourself is not enough, kailangan mo din ng kasama at katuwang. Hindi lang iikot ang buhay mo sa mundo mo. Ang kadalasan ang purpose ay makikita mo sa pagtulong mo din sa ibang tao. Kapag may nangyari ng maganda sa buhay mo, ishare mo, ituro mo, humatak ka ng mga tao pataas. Part ito ng sinasabing kahulugan ng buhay.

    4. Learn from those around you. – Before ka makapagShare sa iba, sa una ikaw muna ang hahanap ng mga tao para may matutunan ka. Para sakin, iba na sitwasyon kapag nkakausap ka ng mga successful na tao. May kasabihan nga, kung may pangarap ka, humanap ka ng mga taong nandun na para magkaron ka ng tip kung paanong ikaw din ay mkarating dun. Kailangan nating ng Coach or Mentor.

    5. People come and go in your life for a reason. Minsan masakit yan pero kailangan nating tanggapin. Accept natin ang katotohanan na hindi lahat ng tao magStay satin. May mga tao na sadyang dadaan lang tlga sating buhay. Pero lahat sila may purpose, may matutunan tyo sa bawat isa. Minsan yung mga taong nawala ang mapapatibay satin. Move on at patuloy lang tyo makisamang muli sa ibang tao.

    6. You Can’t Please Everyone – sabi ko nga, people come and go. Kaya iwasan nating mabuhay na palagi na lang iisipin ang sasabihin nila. Buhay natin ito. Kaya focus ka lang sa bagay na alam mong tama. Kahit ano man sabihin mo, kahit ano man gawin mo. May maiinspire ka, pero meron ding hindi matutuwa. Ganun talaga. Hindi nman tyo perpekto.

    7. Stop comparing yourself to others. Nako madedepress ka lang. Malungkot yan. Iba iba tyo ng journey kaya dimo pwede icompare ang sarili mo sa iba. Gawin mo, icompare mo na lang sarili mo sa sa sarili mo sa nakaraan. Dito. Makikita mo kung may Growth ba o wala. Dito mamonitor mo progress mo. Sa ganito maiimprove ka.

    8. Love Is More Than a Feeling; It’s a Choice – nung bata pako puro kilig, puro masaya lang. Pero habang tumatanda na, narealize ko na hindi pala ganun. Ang love ay may ksama ding sacrifice. Kailangan mo iAccept ang kabuuan ng taong gusto mo mahalin. Kaibigan, asawa at pamilya. Dahil nga dimo makikita lahat ng gusto mo sa isang tao, minsan kailangan mo din accept mga bagay na ayaw mo sa kanya. Tutal ganun din tyo sa knila. Diba?

    9. Your Health Is Your Most Valuable Asset – kaya hindi tayo dapat paStress sa mga bagay na kulang. Focus lang sa Blessing. Mahirap pala kapag may sakit, kapag madami kna iniinda at madami kna di ngagawa… Kaya dapat happy lang, humihina katawan natin kaya dapat happy thoughts na lang. Makakatulong.

    10. Only God can give you peace – Higit sa lahat, dapat may relasyon tyo sa Dios. May mga bagay na hindi kayang ibigay ng tao. Bihira na kasi ang loyalty ngayon. Pero si God loyal yan sa mga taong tinanggap sya at kinikilala sya. Di kaya nya iiwan. Bibigyan ka nya ng peace. Na kahit madami nang nangiwan, madami ng nawala sa buhay mo, madami kna iniinda, madami ng hirap sa buhay. Kapag may relasyon ka sa Dios, maiisip mo na tlgang magulo sa mundong ating ginagalawan. At nasa kanya lang ang PEACE na hinahanap natin. Sa kanya lang tayo magkakaron ng kapahingahan. Sya lang tlga nkakakilala ng pagkatao mo.

    Salamat at umabot ka sa dulo. NaAppreciate ko yan. Hindi lahat ng tao gagawin yan. Pero dahil tinapos mo, alam ko may halaga ako sayo. Kaya I hope na nagustuhan mo ang sharing ko.

Photos

Friends

Profile Photo
Rannie Doblada
@ranniedoblada

Groups

Group logo of Inbestmint
Inbestmint
Public Group
Group logo of PESO SENSE
PESO SENSE
Public Group