Docu – Isa 1
“Papeles Kong Pasikat:Lamang Kana”
Masakit isipin na sa kabila ng lahat-lahat ng pag gama’y ,pag sunod sa alituntunin , at pagkakaroon ng sariling diskarte sa buhay.
Maaaring mayroong maayos na resulta o kasalungat sa inaasahan .
Negatibo di na ba talaga maiiwasan?
Sa totoo lang nakakasindak,.. bumalot ka ng matinding kaba at panginginig ng katawan. Sa tantiya ng tono mo’y halos gusto mo nang lunukin ang buong establisyimento maisawalat lang ang totoong nakimkim na insulto .. Sa tagal ng dinadaramdam nakakawala ng kontrol sa sarili.
Ang hirap lang isipin na sa isang pirasong papel na nilatag ko … para sa mas maayos na proseso ay may resultang kasalungat sa totoong inaasahan ko.
BALANSE saan kita hahanapin? Kung sa pagkakataong ito di mo ako nasagip.
Nag pasa ako ng masasakit na salita sa taong ngayon ko lang nakita.
May maayos kang paninindigan , Maganda kang tinitingnan , Malinis kang mag proseso at nagbibigay ka ng limitasyon sa bawat hakbang.
Ngunit, sa kabila ng lahat ng iyong magagandang pakikitangi.
Karapatan namin humingi ng maayos at may respetong paglahok ,
yung tipong di mo kame ituturing bilang sanggol o nananggol.
Bagkus nakakahiya man isipin at aminin ,
humihingi kame ng tamang trato… bilang tao na may silbi sa mundo.
Kailangan namin ng maayos ninyong proseso .. dahil nahihiya kame sa katawan naming pantao.
Galing po kame sa ibat-ibang kwento na hindi namin pinipiling mabuksan pa.
Katulad ninyo’y ayaw din naming mabuksan ang isa pang aspekto ng buhay galing sa maling nakaraan.
Ganun pa man, tayo lang ang magbabalanse sa ating Emotional Values, Hindi sila na may pansariling dala-dala o dinadamdam. Sa tunghay ng nakita ko bilang bata , iba-iba talaga pundasyon ng tagtag at tapang ng isang tao.
Sana’y muling palarin at magkaraoon ng tamang pagkawasto.
Tagged with: #agawperyodiko, #bwisit, #makibago, #sobra sa abuso sa masipag, #tamadsa klase, sad