Love Bombed
0
November 24, 2022

Love Bombed – Eleventh Entry

“Erp – ”

“Nandito ka na naman? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?”

“Saglit lang ako. May naisip kasi ako – ”

“Sige, ituloy mo.”

“Crush ka ng kapatid niya hindi ba? ‘Yon na lang ang ligawan mo o hindi kaya ay ligawan mo jowa niya.”

“Orb, hindi masakit ang loob ko. Isa pa, matagal na akong tumigil sa panunuyo. Pangalawa, ayaw kong manira ng relasyon.”

“Pero mahal mo pa hindi ba?”

“Oo, hindi naman madaling lumimot e. Mas mabilis ang umiwas.”

“Kaya iiwas ka na lang? Hindi ka ba lalaban erp? Duwag ka.”

“Hindi naman sa duwag orb. Alam kong hanggang landian lang ang naging ugnayan namin, walang patutunguhan. Natutuhan ko nang umahon mula sa pagkahulog ko sa kanya. Hindi na masyadong masakit nang malaman kong may minamahal na siya.”

“Sabi mo e. Idol na talaga kita.”

“Tado! Umuwi ka na nga!”

Tagged with: , , , , ,

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments