Love Bombed
0
November 24, 2022

Love Bombed – Thirteenth Entry

“Erp, ang saya mo yata ngayon? Dahil ba wala ka nang kapuyatan sa gabi? Hindi na nasasayang ang oras mo sa maling tao?”

“Kailangan bang may dahilan kung bakit ako masaya? Hindi ba pwedeng dahil nakapagkape na?”

“Ako hindi pa. Pwede mo ba akong ipagtimpla?”

“Utot mong blue. Makikikape ka na nga lang dito, ako pa talaga ang magtitimpla? Gara mo a?”

“Ang sama mo sa akin.Uuwi na nga lang ako.”

“Luh seryoso? Pikon ka na agad?”

“Hindi naman. Pero erp, bakit ba palaging ang sungit mo sa akin? Ako na nga lang itong hindi nang-iwan sa iyo e.”

“Sorry orb. Salamat.”

“Salamat saan?”

“Sa lahat. Sa pagiging nandiyan mo kapag kailangan ko ng kausap. Sa pagpapasaya mo sa akin.”

“Wala ‘yun. Kaibigan kita e, mahalaga ka sa akin. Hindi kita iiwan, asahan mo ‘yan.”

“May creamer?”

“Dark and strong, kaya kang ipaglaban.”

Tagged with: , , , , ,

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments