26
Posted in Uncategorized
November 29, 2022

Araw na nakilala ko si Friendster

 

Nakita ko tong photo na to sa isang Facebook post. Imagine, ang laki na pala talaga ng pinagbago ng panahon. Kung babalikan ko ung mga nakaraan na kung saan kailangan ko pa talaga mag punta sa computer shop tuwing meron akong assignment sa school. Punuan pa dati at ang mahal talaga ng singilan, tapos pag upo mo sari saring amoy talaga maamoy mo sabayan pa ng ingay sa loob, madalas ko pa katabi dati ung babaeng may ka chat lagi na kano sa yahoo messenger ( mayaman na siguro ngaun un ) dito ko na din nakilala si Friendster. Year 2008 yata or 2009 firstime ko nun mag register at after a few weeks ang dami ko na din agad friends, sa friendster na nga din ako natuto ng konti kung pano mag coding, tapos after nun madalang ko na lang din mabuksan dahil nga sa dati palaging puno ang mga computershop at ang mahal pa talaga ng per hour dati tapos wala din akong cellphone nun kase di afford. Pero ngaun halos lahat may kanya kanya ng cellphone at computer sa bahay, madali na at mura na rin ang pag access sa internet.

 

Gayunpaman, ang sarap pa din balikan ung mga panahon na kung saan ka nagsimula at natutong makipagkaibigan online, lalo na kung wala ka naman talaga tinuturing na kaibigan sa personal kase madalas mas pinipili ko lang mapag-isa.

 

Follow nyo naman ako!

Join din kayo dito : https://friendster.click/groups/introvert-international

Tagged with: , , , , ,

Subscribe
Notify of
guest

26 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments