Love Bombed
0
November 24, 2022

Love Bombed – Eighth Entry

“Orb, paano kung mahulog ang loob ko sa iyo?”

“Pwede naman pero hoy! ‘Di mo ako mauuto diyan. Iyang seksuwalidad mo, tanggap ko pero hindi na yata diyan sa pagkapraning mo.”

“Kunwari lang naman!”

“Dre, hindi mangyayari ‘yun! Alam naman nating dalawa na hulog na hulog na ang loob mo sa kanya. Siya ang happy pill mo kasi napakatamlay mo kapag ‘di mo siya kausap. Siya ang favorite person mo kasi halos siya na ang laman ng gallery mo. Siya ang morning star mo kasi siya ang una mong iniisip sa umaga.”

“Wala na akong masabi.”

“I-chat mo na lang kasi siya hindi iyang nagse-self-pity ka diyan. Kung anu-anong naiisip mo. Magrereply din iyon, ‘di man agad-agad pero sasagot din.”

“Okay. Salamat sa sermon.”

Tagged with: , , , , ,

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments