Love Bombed – Seventh Entry
“Orb, nami-miss rin kaya niya ako?”
“Ewan ko sa iyo dre. Bakit ako ang tinatanong mo?”
“Ano kasi, ilang araw na akong ‘di masyadong nagagawi sa inbox niya.”
“Ano ba kasing trip no at ginagawa mo ‘yan? Ikaw ang din naman ang nahihirapan ngayon.”
“Gusto ko lang namang ituon niya ang buong pansin niya sa kanyang paghahanda para sa kanyang nalalapit na pagsusulit.”
“Dre, pwede naman ka niyang kausapin sa malaya niyang oras. Hindi naman siguro kabawasan iyon sa paghahanda niya. Hahanap at hahanap siya ng paraan para makausap ka. Ikaw lang naman itong unti-unting lumalayo e.”
“Uhm, anong gagawin ko dapat?”
“Iskepik! ‘Di kausapin mo pa rin, late reply man at least makausap pa rin.”
“Salamat naman at matino kang kausap ngayon.”
“Gusto mo ulit ng kutos?”
Tagged with: BL, Bromance, Friendster, InternetLove, LoveBombed, OnlineLove