Love Bombed
0
November 24, 2022

Love Bombed – Seventeenth Entry

“Ano orb, tuloy tayo? Bibili na ako ng alak?”

“Uuwi muna ako sa amin. Magbibihis lang ako. Saka mamayang gabi na lang. Anong oras pa lang o.”

“Sige, sige. Maggo-grocery na lang muna ako. Puntahan mo na lang ako mamayang gabi.”

“Ikaw na ang bahala. Pasensiya ka na ha? Nadamay pa kita ngayong araw erp.”

“Ayos lang ‘yun. Pasalamat nga ako at isinama mo ako. Matagal na rin pala mula noong huli akong lumabas at gumala.”

“Bale mauuna na muna ako. May gagawin lang ako saglit sa bahay. Salamat sa pagsama mo sa akin.”

“Ayos ka lang ba? Hindi ka malungkot na hindi sinipot ng ka-date sana.”

“Ayos lang ako. May ibang araw pa naman e. Isa pa, hindi rin pala ako handang magtapat pa.”

“E bakit inaya mo na ng date? Kung hindi ka pa handa?”

“Gano’n ba ang gawain mo? Sa unang date niyo pa lang ay may mangyayari na sa inyo? Mahal niyo na agad ang isat-isa?”

“Hindi naman. Siempre, kilalanin muna ang bawat isa. Alamin kung compatible ang ugali at mga katangian.”

“Alam mo rin naman pala e pero bakit hindi mo nagawa sa sarili mo? Humantong ka pa sa heartbreak.”

“Bakit bumabalik sa akin?”

“Aba, malay ko. Tara na nga, ihatid mo ako sa paradahan. Ngayon lang naman.”

“Sige, good mood naman ako today. Halika na.”

“Salamat ha? Masaya rin naman ako today e. Bili ka na rin ng alak, hati tayo sa bayad.”

“Nah, huwag na. Sagot ko na ‘yun. Marami ka nang nagastos ngayong araw.”

“Ayos lang iyon orb, sulit naman.”

Tagged with: , , , , ,

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments