Love Bombed – Sixteenth Entry
“Erp, nasaan na? Magtatanghalian na o. Kanina ko pa sinisipsip-dura itong kape ko para lang hindi maubos. Medyo masama na ang tingin ng mga crew sa atin.”
“Yuck! Tara na. Maglunch na lang tayo at manood ng sine mamaya. Sayang naman kung uuwi na tayo, narito na lang naman tayo e.”
“Sino ba kasi siya?”
“Huwag mo na siyang isipin, ako na ang bahala. Tayo na lang ang gumala ngayon.”
“Hoy saglit lang erp. Diyan tayo papasok? Hindi bagay itong suot ko diyan.”
“Kasama mo naman ako, pakialam ba nila? Hindi naman sila ang kaharap mong kakain. Huwag ka nang mag-inarte, hindi ka babae.”
“Loko! Hindi naman sa gano’n —”
“Doon tayo sa dulo. Gutom na ako.”
“Hindi naman masama ang loob mo na date mo ito pero ako ang kasama mo?”
“Ang dami mong tanong. Hindi nga erp. Ayos lang.”
“Alam mo kasi orb, masakit sa loob kapag hindi ka siputin ng date mo. Naranasan ko na ito noon e, dumaan na ako sa ganito.”
“Ano ang dapat kong gawin?”
“Huwag na tayong tumuloy sa sinehan pagkatapos natin dito. Uwi na lang tayo, samahan kitang mag-inom.”
“Ayoko. Hindi ako nag-iinom.”
“Ngayon lang naman e. Dadamayan kita.”
“Ayoko, hindi ako sanay.”
“Ayos lang. Narito naman ako, sagot kita.”
“Sinabi mo ‘yan ha?”
Tagged with: BL, Bromance, Friendster, InternetLove, LoveBombed, OnlineLove